Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang karagatang sakop ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 11:02 ng umaga nitong Linggo, Disyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol, na may lalim na 10 kilometro.

Namataan ang epicenter nito 45 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Intensity II - City of Bislig, SURIGAO DEL SUR

Intensity I - Tandag, SURIGAO DEL SUR; Nabunturan, DAVAO DE ORO

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Kanina lamang 10:20 ng umaga, yumanig din ang isang magnitude 5.3 na lindol sa hilagang-silangan ng Hinatuan.

https://balita.net.ph/2023/12/24/magnitude-5-3-na-lindol-muling-nagpayanig-sa-surigao-del-sur/?fbclid=IwAR32V3oyRn5K8I6Uys5LelHjMKAiFtYmNLeomkTnqE6s5yQTEkdJLs5euT8

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2023/12/09/timeline-mga-lindol-na-yumanig-sa-surigao-del-sur/