Walang pakundangang inamin ni “Kapuso Primetime Queen” Marian Rivera na totoo ang impresyon ng marami sa kaniya.

Sa latest episode kasi ng vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz kamakailan, naitanong niya kay Marian ang tungkol dito.

“Si Marian kilala sa showbiz parang mataray ka kasi Caviteña—”

“Mataray naman talaga ako,” mabilis na agaw ni Marian kay Ogie.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“So, ‘yan ang hindi mo babalikan para baguhin?” usisa ng showbiz columnist.

“Hindi kasi ‘yung pagiging mataray ko naman e arte-arte lang. Kumbaga ito lang ako kasi sa Cavite talaga ganito talaga kami. Pero hindi ibig sabihin hindi ako sweet, hindi ako malambing, hindi ako caring,” tugon ni Mairan.

Dagdag pa niya: “Siguro ganoon lang ‘yung perception. Pero ‘pag nakikilala naman ako, baklang babae naman ako. So, okay lang ako na ganoon ako.”

“Kasi nga parang takot ‘yung mga tao na parang wala na tuloy gustong dumikit kay Dingdong [Dantes] dahil takot sa ‘yo–”

“Ay, buti naman!” sagot agad ni Marian. 

Nagkatawanan tuloy sila ni Ogie at nag-apir pa. 

“Pero ganoon nga ‘yung mahirap minsan. Kapag hindi mo kilala ‘yung isang tao talagang ang dali nating mag-judge e. ‘Hay naku, ganito ‘yan, ganyan’. Okay lang. Walang problema sa akin. Pero gusto kong makatrabaho mo ako bago mo ako i-judge,” pahayag pa ni Marian. 

Paliwanag pa niya, nasa lugar naman daw ang kaniyang pagtataray. Saka nabawasan na rin naman daw ang ugali niyang ‘yun simula nang magkaanak. Hindi gaya dati na kapag ayaw niya, ayaw niya talaga.

Samantala, sa isang bahagi ng vlog ni Ogie ay napag-usapan naman nila ang tungkol sa tukaan nina Dingdong at Sue Ramirez sa pelikulang “Rewind” kung saan kasama rin si Marian.

MAKI-BALITA: Marian, ‘di kayang makita pakikipagtukaan ni Dingdong kay Sue