Nagbahagi si Ken Chan ng larawan kasama ang kaniyang “Abot Kamay Na Pangarap” co-star na si Jillian Ward.

Sa Facebook post ni Ken nitong Sabado, Disyembre 23, sinabi niya na kapag kausap niya raw si Jillian ay tawa siya nang tawa.

“Ewan ko ba kapag ikaw ang kausap ko tawa lang ako ng tawa kahit napapahamak tayong dalawa Jillian Ward 😅” saad ni Ken.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post ni Ken.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagama’t marami ang nagsasabing bagay daw sila, may ilan ding tila hindi sang-ayon dahil sa agwat ng kanilang edad. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Dapat kayo din Ang sunod ng lovetem”

“30 years old and 18 years old. What?”

“Bagay talaga kayo idol 🥰🥰🥰”

“JilKen Bagay na Bagay sila Kaya Lang ata pa si Jillian 18 yrs old”

“Yikes”

“Wag Boyet kapatid mo yan iiihh”

“Anue ba😭 30 si jen chan nakaka takot comsec Hahahahahaha”

“Sanakayo nlng in real life…”

“ew”

“Groomer”

Samantala, wala pa namang inilalabas na opisyal na pahayag sina Ken at Jillian sa real score nilang dalawa.