Nagsagawa ng live ang Kapamilya star na si Francine Diaz upang sagutin ang mga isyung ipinupukol sa kaniya.

Kaugnay ito ng "sulutan" issue raw sa pagitan nila nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Aniya, ito na raw ang huling beses na magsasalita siya tungkol sa isyung hindi mamatay-matay at patuloy na binubuhay, lalo na't kamakailan ay nabanggit sa ilang showbiz news report na alam daw ni Seth, ang katambal niya ngayon, ang tungkol sa namagitan sa ex-girlfriend niyang si Andrea at ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.

Dahil dito. muling binalikan ng mga netizen ang panahong may di-pagkakaunawaan sa pagitan nilang tatlo, na unang nabuo bilang "Gold Squad" dahil sa success ng seryeng "Kadenang Ginto."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Habang nagla-live ay sinamahan ni Seth si Chin para patotohanan ang mga pahayag nito.

Anang Francine, wala siyang inahas, nilandi, o inagaw mula sa sinuman.

"Wala akong inahas, wala akong nilandi, wala akong inagaw. Malinaw? Screen record n'yo, puwede n'yong balikan. Playback n'yo. Kasi wala talaga akong inagaw," aniya.

Kaya kung nagkaroon man daw ng problema sina Blythe at Seth noon, sa kanila raw doon at labas daw siya roon.

https://twitter.com/gailalelilolu/status/1738540716576719306

Nilinaw ni Francine na kaya nagpunta sa bahay nila noon si Seth ay para humingi ng tawad sa kaniya.

"Alam nila ni Blythe actually, wala akong kasalanan. Pumunta sila sa bahay para humingi ng sorry, but, si Blythe ay hindi sumama. She was invited pero hindi siya sumama. Kaya nagulat ako, kasi, bakit ako 'yong masama?" giit pa ni Francine.

Sana raw ay huminto na ang hate dahil wala raw siyang inaagaw.

Matatandaang noong 2022 ay naisyu pang sinugod ni Andrea si Francine sa dressing room habang isinasagawa nila ang ABS-CBN Christmas Special.

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes at Francine Diaz, nag-unfollow sa isa’t isa dahil kay Seth Fedelin?

MAKI-BALITA: Kaloka! Andrea, sinugod nga ba si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Pati ang nanay ni Francine ay umalma na rin sa isyu.

MAKI-BALITA: Nanay ni Francine, nanggalaiti kina Andrea at Seth: “Wag pilitin maubos pasensya ko sa inyo!”

Kamakailan lamang, muling nagsalita si Seth at ipinagtanggol si Francine sa bashing.

MAKI-BALITA: Seth, ipinagtanggol si Francine sa bashers: ‘Ako na lang’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Andrea tungkol dito.