Balisa si Coleen Garcia-Crawford hangga't hindi nahahanap ang suspek na pumatay sa kapatid na balikbayan ng kaniyang step mother kamakailan.

Base sa ulat ng ABS-CBN, inihayag ni Jose Garcia, ang brother-in-law ng biktimang nakilalang si Canice Minica Seming, na nangyari ang insidente dakong 11:50 ng gabi noong Miyerkules, Disyembre 20, sa bahay nito sa Antipolo City.

Nakilala umano ang suspek bilang “Art,” ang dating live in partner ng stay-in na kasambahay ng pamilya ng biktima na si Marry Ann Garnica.

Nakipaghiwalay raw si Garnica sa suspek dalawang araw ang nakalilipas. Ito naman ang tinitingnan ng mga pulis na dahilan ng posibleng motibo raw ng suspek sa pagpatay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pahayag ni Garnica sa mga pulis, napadalhan pa raw siya ng mensahe ng biktima para sabihing nasa bahay nila ang suspek. Pagkatapos nito, nakita na umano niya at ng kapatid ni Seming ang katawan nito na wala nang malay sa kanilang sala.

Kinumpirma rin ni Coleen ang pagpanaw ni Seming at ang insidente sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Sabado, Disyembre 23.

Bahagi ng kaniyang post, nagpatulong siya sa publiko na ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung sakaling may makakita sa suspek na hanggang ngayon ay pagala-gala pa rin.

"We didn’t want to post about it, but this dangerous man is still out there and we need help finding him. 🙏🏻 The authorities have been on it since it happened, but we need all the help we can get," aniya.

MAKI-BALITA: Kapatid ng stepmom ni Coleen Garcia, patay sa saksak