Inalmahan ng aktor na si Andrew Schimmer ang "prediksyon" ng isang manghuhula patungkol sa kaniyang bagong kasintahang si Dimps M. Greenvilla.

Matatandaang nag-grand reveal ang aktor na may bago nang nagpapatibok sa kaniyang puso matapos makapagbabang-luksa sa pagpanaw ng misis na si Jho Rivero.

Ngunit nakakaloka ang sinabi ng isang manghuhula na si Dimps daw ang babaeng pinagselosan noon ni Jho, noong nabubuhay pa ito.

Pinapalabas ng manghuhula na matagal nang may relasyon ang dalawa kahit nasa ospital si Jho at naghihirap sa kaniyang sakit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"kengkoy na manghuhula nato...🤦🏻‍♂️🙆🏻‍♂️🤣," ani Andrew sa kaniyang Facebook post.

Nirepost niya ang Facebook post naman ni Dimps tungkol dito.

"Juzmiyo marimar 🤣😂🤣."

"Manghuhula ba tlga to or script writer? ✌🏻🤣"

Samantala, sey naman ni Dimps, "THIS is NoT TRUE🙈"

"Si God lang po paniwalaan."

"hndi ang hula hula✌️."

MAKI-BALITA: ‘You restored me!’ Andrew Schimmer may bagong jowa na