Isang magnitude 5.7 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng madaling araw, Disyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:38 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 74 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I Cabadbaran City, AGUSAN DEL NORTE; San Fernando, BUKIDNON; Nabunturan, DAVAO DE ORO; at City of Tandag, SURIGAO DEL SUR.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.