Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:22 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 59 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Itinaas ang Intensity III sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Naitala naman ang Instrumental Intensity IV sa Nabunturan, DAVAO DE ORO.

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.