Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Disyembre 23, na humigit-kumulang 63,000 mga pasahero ang kasalukuyan nilang sinusubaybayan sa lahat ng mga daungan sa buong bansa, habang nagpapatuloy ang pagbiyahe ng mga pasahero bago ang nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa PCG, tinatayang 36,779 ang naitalang papalabas na mga pasahero, habang 26,252 ang papasok sa iba't ibang mga daungan mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga nitong Sabado.

Kaugnay nito, nagtalaga ang PRC ng 2,726 frontline personnel sa lahat ng 15 Coast Guard districts sa buong bansa.

Ito ay upang madagdagan umano ang mga law enforcer na magtitiyak sa kaligtasan ng pagbiyahe lalo na ngayong Kapaskuhan.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Sa ngayon ay 275 sasakyang-dagat at 145 motorbanca na raw ang na-inspiksyon ng frontline personnel ng PCG.

Inihayag naman ni PCG spokesperson Rear Adm. Armando Balilo na inilagay nila sa hightened alert ang kanilang mga distrito, istasyon, at sub-station mula Disyembre 15, 2023 hanggang Enero 3, 2024 upang pamahalaan umano ang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan.