Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipinong bisitahin ang Malacañang ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa isang video na inilabas sa kaniyang Facebook page nitong Biyernes, Disyembre 22, sinimulan ni Marcos ang kaniyang mensahe sa publiko sa pamamagitan ng pagbati sa kanila ng “Merry Christmas.”

“Ngayong Pasko ay binuksan natin ulit ang Palasyo para sa inyong lahat. Open house po kami ngayon. Habang may Simbang Gabi, open house po ang Palasyo. Puntahan po ninyo kami, bisita kayo," ani Marcos.

Binanggit din ng pangulo ang mga pagkain na mayroon sa Malacañang, kabilang na raw ang kaniyang specialty na puto bumbong.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

"Kumpleto ang mga pakain natin ng bibingka at saka siyempre ‘yung specialty kong puto bumbong,” aniya.

"Lahat ng mga anak ninyo, mga bata, para magsaya naman sila habang nag-aantay ng Simbang Gabi. So sana ay magkita tayo dito sa Palasyo para meron tayong Pasko sa Palasyo," dagdag pa ng pangulo.

Muling binuksan ang Malacañang sa publiko ngayong Kapaskuhan para sa "Tara sa Palasyo,” isang inisyatibo umano ng Social Secretary's Office kung saan tampok ang Christmas Display at libreng carnival rides at kakanin sa Kalayaan grounds.