Binigyang-diin ng Office of the Vice President (OVP) na “fake news” ang mga post sa social media tungkol sa umano’y Christmas giveaways na ₱10,000 at grocery items mula kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Disyembre 22, ibinahagi ng OVP ang isang larawan ng “scam” na post sa social media tungkol sa maagang pamasko umano ng bise presidente.

“BABALA. Ipinapaalam ng Office of the Vice President sa publiko na ang social media promo na ito ay panloloko o scam,” pahayag naman ng OVP.

“Hindi ito programa ni Vice President Sara Duterte o ng OVP. Kung kayo ay may impormasyon hinggil dito, ipagbigay alam agad sa mga pulis,” dagdag pa nito.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Shinare din ni Duterte ang naturang pag-abiso ng OVP sa kaniyang Facebook page.

Hindi naman na binanggit ng ahensya kung saan nanggaling ang naturang post na nagtataglay ng “fake news.”