Dalawang araw bago mag-Pasko, inamin ni Kapamilya star at It's Showtime Kim Chiu na hiwalay na sila ni Xian Lim, na matagal nang usap-usapan sa mundo ng showbiz at social media.

Aniya sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Disyembre 23, "End of a love story. It took me awhile to say this….. until today."

Pinasalamatan ni Kim ang kanilang fans at supporters na patuloy na nagmamahal sa kanila. Deserve daw nila ang katotohanan kaya binasag na niya ang kaniyang katahimikan.

"We owe our supporters the truth, but we also respect each other’s time of healing. In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"We shared more than a decade of love, each other’s support system, and many beautiful memories. It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship."

"We thank all our followers for their love and support, but now we ask you to appreciate our honesty and give us the privacy we need as we begin new chapters of our lives. To all our supporters, maraming salamat for all the love and understanding."

Sa dulo, pinasalamatan ni Kim ang kaniyang ex-boyfriend.

"Lastly, to Xi, Thank you for the almost 12 years of beautiful memories together one can never imagine. You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is."

"As we close this chapter of our lives,I am asking for everyone’s kindness and respect. I hope this clears everything as we all move forward with our lives.🤍"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Xian hinggil dito.

Matatandaang Nobyembre pa lamang ay usap-usapan na ang kanilang paghihiwalay.

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Naglabas si Xian ng kaniyang statement sa Instagram subalit wala siyang binanggit tungkol sa hiwalayan issue. Isa pa, binura niya ang vlogs na kasama niya si Kim sa kaniyang YouTube channel.

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya

MAKI-BALITA: Xian Lim, binura daw vlogs, videos na kasama si Kim Chiu

Sa mga panayam kay Kim, sinabi niyang sa kaniya na muna ang detalye tungkol sa usaping love life niya.

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian

Sa vlog ni Diamond Star Maricel Soriano, sinabi ni Kim na ang kaniyang love life ay naka-hang.

MAKI-BALITA: Nausisa ni Maricel Soriano: Love life ni Kim Chiu, parang telepono