Mula raw sa kampo ni Ricci Rivero ang nagsuplong kay Kapamilya star Daniel Padilla sa ginawa nitong panloloko sa ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Disyembre 22, tinalakay ni showbiz columnist Cristy Fermin ang other side of story ng hiwalayang KathNiel.

Matatandaan kasing may inilabas na ulat ang Philippine Entertainment Portal o PEP kamakailan na nagsasabing si Andrea Brillantes daw ang mismong lumapit kay Kathryn para ikumpisal dito na siya ang babae ni Daniel.

MAKI-BALITA: Andrea diretsahang umamin kay Kathryn tungkol sa kanila ni Daniel

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pero ayon kay Cristy, may isa rin daw kuwentong lumutang na mula raw sa kampo ni Ricci ang nagsiwalat ng panloloko ni Daniel.

“Lumutang ‘yung kuwento na ang nag-squeal kay Kathryn Bernardo tungkol sa pambabae at panloloko sa kaniya ni Daniel Padilla ay si Andrea Brillantes. Pero mayroon ding isa pang kuwento na ang nag-squeal o naglaglag kay Daniel ay isa mula sa kampo ni Ricci Rivero,” saad ni Cristy.

“Ako kasi nagtataka. Kung talagang si Kathryn kinausap ni Blythe, bakit humaba nang humaba ang kuwento?” aniya.

Dagdag pa ni Cristy, hindi raw magagalit nang ganoon katindi ang fans ng KathNiel kay Andrea kung totoo mang ginawa ng huli ang pagkukumpisal nito sa ginawang kasalanan sa kaniyang kapuwa aktres.

“Saka parang hindi kayang gawin ng isang babae na umamin, ‘di ba. Puwedeng iba talaga ang nagsabi,” pahayag naman ni Romel Chika, co-host ni Cristy.

Ganoon din ang paniniwala ng isa pa nilang co-host na si Wendell Alvarez. Sa katunayan, binalikan pa nga nito ang isang X post ni Ricci tungkol sa pangangabit para bigyan ng katunayan ang kanilang mga pahayag.

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon ang panig ni Ricci tungkol dito.