Nawindang ang mga netizen sa kumakalat na video clip ni Kapuso actor Kelvin Miranda habang "hinaharana" ang isang beki sa isang stage.

Guest si Kelvin sa isang beauty pageant na ginanap sa San Jose, Antique kamakailan.

Kitang-kita sa video na halos himatayin sa kilig ang nabanggit na bekz habang kinakantahan ni Kelvin.

Pero bukod dito, sa iba rin naka-pokus ang mga mata ng netizen.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Nabilaukan" daw kasi ang mga netizen sa "Santolan station" ng Kapuso actor na inaabangan na ang pagganap sa "Sang'gre," spin-off ng successful at hit fantasy series ng GMA Network na "Encantadia."

Biro tuloy ng mga netizen, kaya raw maumbok ito dahil dito itinago ni Kelvin ang "brilyante ng tubig."

"Focus lang sa goals."

"Adamus, alam na namin kung saan mo itinago ang brilyante ng tubig hahaha."

"Santolan station hahaha."

"Baka nasa Antique ang brilyante ng tubig hahaha."

"2M worthy hahaha."

Kamakailan lamang ay pumalag si Kelvin sa panta-tag ng mga netizen sa kaniya hinggil sa blind item ni Direk Darryl Yap.

Sa nabanggit na blind item, isang aktor daw ang nagpa-booking sa isang international singer na bumisita sa bansa.

MAKI-BALITA: Kelvin Miranda, nag-react daw sa ‘pa-booking blind item’ ni Darryl Yap

MAKI-BALITA: Kelvin Miranda, hindi pa-booking: ‘Pinaghirapan ko lahat’

MAKI-BALITA: Sam Smith nakaladkad sa blind item ni Darryl Yap