Tinatayang 73% ng mga Pilipino ang naniniwalang magiging masaya ang kanilang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Sabado, Disyembre 23.

Base rin sa Fourth Quarter survey ng SWS, 6% naman daw ng mga Pinoy ang nagsabing magiging malungkot ang kanilang Pasko ngayong taon.

Samantala, 21% ang naniniwalang hindi magiging masaya ngunit hindi rin magiging malungkot ang kanilang pagdiriwang ng Pasko.

“The 73% expecting a happy Christmas is the same as in 2022 and 23 points above the record-low 50% in 2020,” saad ng SWS.

Internasyonal

Lalaking inoperahan sa panga dahil sa 'malignant tumor,' maling pasyente raw?

“It is still 6 points below the pre-pandemic level of 79% in 2019,” dagdag nito.

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Disyembre 8 hanggang 11, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas.