Nagbigay ng payo ang social media personality na si Xian Gaza para sa mga taong may balak mangabit o mangaliwa.

Sa Facebook post ni Xian nitong Huwebes, Disyembre 21, mababasa ang pahayag niya tungkol dito.

“Kung kakabit kayo o mangangaliwa, make sure mas better sa partner niyo kasi mawawalan ng point ang lahat,” saad ni Xian.

“Imagine, life partner mo senador tapos boylet mo mukhang nagtatrabaho sa Adonis. Sobrang nakakahiya. Never downgrade,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dagdag pa niya sa comment section: “Hindi masama ang third party, basta mas maayos sa una. Because you deserve better always remember that.”

Pero paglilinaw niya, nagpapatawa lang umano siya. “Baka may mga patola na naman diyan na miserable ang buhay.”

Ibinahagi ni Xian ang post na ito sa gitna ng kumakalat na isyu ni Kapuso actor Rob Gomez sa kaniyang mga “Magandang Dilag” co-star na sina Herlene Budol, Bianca Manalo, at beauty queen Pearl Gonzales.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?