Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:28 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 114 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.