Wrong move daw para kay social media personality Xian Gaza ang pagbibigay ng pahayag ni Bianca Manalo sa gitna ng isyung kinasasangkutan niya.

Sa Facebook post ni Xian nitong Biyernes, Disyembre 22, tila ipinahiwatig ni Xian na sa pagsasalita ni Bianca ay parang kinumpirma na rin nito na totoo ang mga kumakalat na screenshot. 

“Kinumpirma niya na legit talaga yung screenshots. Yan ang pinakamaling ginawa niya, maglabas ng official statement,” ani Xian.

Dagdag pa niya: “Ibig sabihin legit din yung screenshots with Budol. Kompirmd ang chesmes mga mars!”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Samantala, sa comment section ay nagbigay pa ng mungkahi si Xian kung ano raw ang “best move” sana para sa isyung ito.

“Nataranta ang PR team ni Bianca. Hindi na nakapag-isip ng maayos. Sablay strategy. Silence is the key. Palabasin niyo na edited ang screenshots at hindi siya yun. That's the best move sana,” saad niya.

Matatandaang kumalat ang balitang palihim umanong nagkikita si Bianca at ang kaniyang “Magandang Dilag” co-star na si Rob Gomez.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Matapos ang isang araw ay nagsalita naman siya hinggil dito para pabulaanan ang nasabing isyu.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez

Bukod kay Bianca, kasama ring kumakalat sa iba’t ibang social media platform ang convo ni Rob kina Herlene Budol at Pearl Gonzales.

MAKI-BALITA:  Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?