Sumalang ang Kapuso couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa latest vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz.

Sa isang bahagi ng panayam ay napag-usapan ang tungkol sa kissing scene umano ni Dingdong kay Sue Ramirez sa pelikula nilang “Rewind” kung saan kasama rin si Marian.

Tanong tuloy ni Ogie: “Payag ka pala n’on?”

“Hindi ko naman nakita, e,” sagot ni Marian sabay tawa.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Naitanong naman ni Ogie kay Dingdong kung humingi pa siya ng consent kay Marian para gawin ang bagay na ‘yon. Pero ayon sa aktor, hindi na raw kailangan dahil nabasa na naman ni Marian ang mismong script ng pelikula.

“So, may understanding na kami na ‘Okay, so if we approved the concept and script and its entirety, it also means that lahat ng nandoon na detalye, approve na rin,” paliwanag ni Dingdong.

“But syempre ‘pag may mga ganoong eksena sa trabaho very, very mindful ako especially mag-asawa na kami,” dagdag pa niya.

Inamin naman din ni Dingdong sa panayam na hindi rin umano niya pinapanood ang kissing scene ni Marian sa ibang actor. 

“Kasi it’s a weird, awkward feeling, e,” ani Dingdong.

Samantala, naikuwento rin ng dalawa ang tungkol sa intimate scene nila sa nasabing pelikula na nahirapan umano silang gawin. 

Matatandaang una na itong naibahagi nina Dingdong at Marian nang kapanayamin sila sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

MAKI-BALITA: Dingdong, Marian nahirapang mag-chorvahan sa ‘Rewind’: ‘Malalaman n’yo kasi kung paano kami as mag-asawa’