Tampok ang singer-actress na si Janella Salvador sa latest vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Huwebes, Disyembre 21.

Sa isang bahagi ng panayam ay naitanong ni Karen kay Janella kung may chance pa umano silang magkabalikan ng ex-partner nitong si Markus Paterson.

“Palagay mo may chance pa kayo ni Marcus to get back together?” usisa ni Karen.

Right now, ‘di ko iniisip ‘yun. No. Okay na rin kami now. Healing apart. I don’t think it was good din for a mental health,” sagot ni Janella.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa katunayan, ayon kay Janella, naaalala pa rin daw niya ang mga hindi magagandang karanasan yugtong iyon ng kaniyang buhay.

“Siguro umabot din sa point na naramdaman ko na nalosyang na ako. Kasi I was trying to save the relationship. I was trying to take care a kid on top of all of that,” aniya.

At kung may natutunan man daw si Janella sa kaniyang mga nakaraang heartbreak, iyon ay ang tapusin agad ang relasyon na may potensyal na maging abusive.

Nagkaroon kasi umano ng trauma si Janella sa drinking problem ni Markus. Sa katunayan, nanginginig daw talaga siya kapag alam niyang nasa labas ang dating partner at uuwing lasing.

“If it’s my partner that comes home drunk, ay, grabe ‘yung anxiety ko. Nanginginig talaga ako even when it was with Markus. Nanginginig akong mag-isa ‘pag alam kong nasa labas ta’s alam kong uuwing lasing,” saad ni Janella.

Matatandaang noong nakaraang taon umugong ang balitang hiwalay na sina Markus at Janella. Sa kasalukuyan ay nagko-co parenting na lang sila para sa kanilang anak na si Jude.

MAKI-BALITA: Janella, nabubuwisit daw sa ‘drinking problem’ ni Markus; Kapamilya couple, nag-split na rin — Ogie Diaz