Tila hindi kumbinsido ang netizens sa naging paliwanag ng aktres na si Bianca Manalo tungkol sa kumalat na 'di umano'y convo nila ni Rob Gomez.

Trending topic kasi ngayon sa X ang “He’s in Valenzuela” na matatandaang bahagi ng umano’y palitan ng mensahe nina Bianca at Rob.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Batay sa kumakalat na screenshots ay nag-chat daw si Bianca kay Rob kung puwede raw itong makipagkita sa kaniya ng 7am. Nasa Makati area daw siya at kasama ang mga aso. Kung puwede raw ito, babalik daw kaagad siya sa BGC o Bonifacio Global City.

“He’s not here. He’s in Valenzuela,” saad pa raw ni Bianca, na tinutukoy umano ang kasintahang si Senador Win Gatchalian. Bago maging senador ito ay naging mayor muna ito ng Valenzuela.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Paliwanag naman ni Bianca nitong Biyernes, magbibigay lamang ng Christmas gifts sa kaniya si Rob kung kaya’t gusto niyang matanggap ito nang maaga bago siya pumunta sa airport.

“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport,” saad ni Bianca.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations,” aniya.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez

Gayunman, tila hindi kumbinsido ang netizens sa paliwanag ni Bianca.

“Anong meron sa “He’s not here. He’s in Valenzuela???”

“Friend!? Pero He’s in Valenzuela

“Si anteh naman. "He's not here. He's in Valenzuela" & "Meron ka na namang napick-up na ibang girl no?" Nyeee!”

““He’s not here. He’s in Valenzuela” bakit kailangan wala si Win para tumanggap ka ng gifts? botbot nimo teh haha

“going to give a christmas gift pero may atake na "he's not here, he's in Valenzuela???" HAHAHAHAH”

“"He's not here. He's in Valenzuela" and TG message”

“Gift lang naman pala pero bakit may "He's not here. He's in Valenzuela." ?! And the Telegram message?!? Di kami kahapon pinanganak, Bianca!”

“Wala kang maloloko dito Bianca Manalo. Palusot pa more. Kailangan talaga 7 AM and "he's not here, he's in Valenzuela”?”

“Pero ano muna ang konek nung "he's in Valenzuela”?”

““He’s not here, He’s in Valenzuela” ano ireeee???? Hahhaahha and yung isa pang conversation na parang nag dadoubt pa siya na baka may ibang girl pa na pinick up yung boi.”

“Then why say "he's not here, he's in Valenzuela"? Oh baka casual lang hahaha”