Bilang komedyante, sumakay lang daw sa joke ang aktres na si Herlene Budol kahit daw alam niyang “finiflirt” siya.

Naglabas na ng pahayag ang aktres sa kaniyang X account tungkol sa mga isyung ibinabato umano sa kaniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Yung  tahimik lang ako at kaliwa't kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng  mag  jowa na may anak. Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa,” ani Herlene.

Squammy man daw sa paningin ng mga tao pero hindi raw siya hayok sa laman. Nabanggit din niyang produkto siya ng broken famaily at pinalaki raw siya nang maayos ng kaniyang lolo’t lola.

Sinagot din ng aktres ang tungkol sa isyu ng salitang “kain” sa kumakalat na screenshot ng kaniyang umano’y message kay Rob.

Matatandaan na sa kumalat na umano'y convo nila ni Rob Gomez, may usapang gutom na ang isa at nais nitong kainin ang kaniyang kausap.

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

“Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang 'Kain' ganyan na agad ang tingin nyo sa akin. Sunakay lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako,” aniya.

“Pero indi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin. FYI naka dalawang National pageant na ako marami nag propose ng indecent proposal sa akin ng malaking halaga. Pero inicip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinag hihirapan indi yung one tym big tym,” dagdag pa niya.

Sa huling bahagi ng kaniyang post, puwede raw niyang kasuhan ng “Data privacy, defamation at cyber libel” kung sinuman ang naglabas ng screenshot.

Bago ang pahayag na ito, nauna nang inalmahan ni Herlene ang tungkol sa isyu.

“Bakit ako nakaladkad?,” aniya.

MAKI-BALITA: Herlene nagtataka sa isyu sa kanila ni Rob: ‘Bakit ako nakaladkad?’