Pinabulaanan ni Herlene Budol ang mga isyung ipinupukol umano sa kaniya tungkol sa kumalat na screenshot ng umano’y convo nila ni Rob Gomez.

Sa kaniyang X post nitong Biyernes, mariin niyang itinanggi ang isyu partikular sa salitang “kain.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang  "Kain"  ganyan na agad ang tingin nyo sa akin. Sunakay lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako,” aniya.

MAKI-BALITA: Herlene sa ‘kain’ message kay Rob: ‘Sumakay lang ako sa mga joke dahil komedyante ako’

Matatandaan na sa kumalat na umano’y convo nila ni Rob Gomez, may usapang gutom na ang isa at nais nitong kainin ang kaniyang kausap.

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

Nauna rin binanggit ni Herlene na squammy man daw siya sa paningin ng mga tao, hindi raw siya hayok sa laman dahil pinalaki siya ng lolo’t lola niya nang maayos.

“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto ako ng  broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos.”

MAKI-BALITA: Herlene sa ‘kain’ message kay Rob: ‘Sumakay lang ako sa mga joke dahil komedyante ako’