Nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Bianca Manalo hinggil sa isyung umaaligid sa kaniya.

Matatandaang na-leak kamakailan ang mga conversation ni Kapuso actor Rob Gomez sa mga babaeng tila nakaka-fling ng aktor kabilang na si Bianca.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Sa Instagram post ni Bianca nitong Biyernes, Disyembre 22, nilinaw niya ang tungkol dito.

Unbothered? Bianca Manalo, nag-eenjoy sa Japan

“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport,” saad ni Bianca.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations," aniya.

Dagdag pa ni Bianca, nakasakit umano sa kaniya at sa pamilya niya ang mga akusasyong wala namang malinaw na basehan. Kaya sana ay matapos ang kontrobersiyang ito upang ma-enjoy niya ang bakasyon sa Japan kasama ang kaniyang pamilya.

“Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone,” saad pa niya.

Bukod kay Bianca, nasangkot din ang pangalan nina Pearl Gonzales at Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon” sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

https://balita.net.ph/2023/12/21/sen-win-gatchalian-dinumog-ng-netizens-dahil-sa-isyu-ng-jowa-niyang-si-bianca-manalo/