Isang magnitude 4.5 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:25 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 107 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Harry Roque, isasama arrest warrant ng korte sa pag-apply niya ng asylum sa Netherlands

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.