Magpapalakas sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng pamahalaan ang inaprubahang ₱12 billion credit line ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) para sa National Housing Authority (NHA).
Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar kasabay ng pagpapasalamat nito sa Pag-IBIG dahil sa pangakong pagsuporta sa 4PH.
National
Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev
“Pag-IBIG’s dedication is a huge boost to bringing the ‘Pambansang Pabahay’ to reality. It continuously opens more doors for Filipino people to own a home that is decent yet affordable in sustainable communities,” ani Acuzar, nagsisilbi ring chairman ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
"This is another solid proof of the Marcos Jr. Administration's relentless effort to uplift the lives of the poorest of the poor," pahabol pa nito.
Nauna nang sinabi ng Pag-IBIG na ang nasabing pondo ay ilalaan sa pagpapatayo ng 9,110 housing units, kabilang ang paunang itatayong 6,967 bahay sa Quezon City, Valenzuela, Zamboanga at San Juan na bahagi ng 4PH program.