Dinumog ng netizens si Senador Win Gatchalian matapos pumutok ang isyu tungkol sa kaniyang girlfriend na si Bianca Manalo at aktor na si Rob Gomez.

Makikita sa mga recent Facebook post ng senador ang mga comment ng netizens tungkol sa isyu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang nagulantang ang mga netizen nang mabasa ang screenshots ng umano’y conversation ni Rob sa mga naging co-stars sa nagtapos na “Magandang Dilag” serye, na sina Herlene Budol, Bianca Manalo, at Pearl Gonzales.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

Naloka ang mga netizen dahil pati ang conversation daw ni Rob kay Bianca ay kasama sa naka-post na “resibo” sa IG; at tila raw palihim na nagkikita ang dalawa.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Mababasa sa comment section ang mga kuda ng netizens sa Facebook post ni Gatchalian:

Matatandaan ding noong Nobyembre lamang ay nagdiwang ng kaarawan si Bianca sa Malacañang, ibinahagi niya pa ito sa kaniyang Instagram.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo, nag-celebrate ng birthday sa Malacañang

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang senador maging ang aktres sa naturang isyu.