Usap-usapan ang hirit na biro ng sumikat na online seller at Pinoy Big Brother Season 10 celebrity housemate na si Madam Inutz patungkol sa pagkain.

Aniya sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Disyembre 20, "NAGUTOM AKO BIGLA PAKAIN NAMAN 🫢🤗"

Photo courtesy: Madam Inutz (FB)

Natawa naman ang mga netizen dahil sakto ito sa trending topic nitong Miyerkules tungkol sa kaniyang "kapatid" na si Kapuso beauty queen-actress Herlene Budol at Kapuso actor Rob Gomez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

Nag-leak kasi sa social media ang pribadong usapan ng dalawa, kabilang na ang pag-aaya raw ni Herlene na "kainin" si Rob.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

Si Madam Inutz ay hawak ng talent manager-social media personality na si Wilbert Tolentino, na dating manager din ni Herlene, subalit matatandaang nagbitiw na ito sa paghawak sa kaniya upang tutukan daw ang kaniyang personal na buhay. Si Wilbert din ang naging dahilan kung bakit nakapasok sa pageant scene si Herlene.

MAKI-BALITA: Wilbert Tolentino, opisyal nang nagbitiw bilang talent manager ni Herlene Budol

Umani naman ng iba't ibang reaksiyon at pahayag ang naging cryptic post ni Madam Inutz.

"Haiztt kala ko kaibigan mo sya isa Karen pla sa mag dodown sa kanya. Lahat ng Tao may pag Kakamali madam Khit ikaw Mismo ramdam ko minsan kaden kumapit sa palalim. Haisztt buhay nga nman sana wag k kalabitin ni lord at mag back to zero."

"Kapatid dati, haters na ngayon 😔 nakakadismaya ganyan ka pala Madam 🤔🙄😮‍💨"

"Ah . Naka abang lang pala si madam inutz na magka issue yung 'friendship' nya , 🤭🥱 . Ugali talaga Alimango yern ? kala mo naman 🤣."

"Grabe iba na tlga panahon ngayon khit friends mo pa ilalaglag ka .. imposible Hindi mo alam Ang marites inutz.. lhat naman tayo may kanya kanyan mali Nagawa sa buhay .."

Ngunit sa isang komento, nilinaw ni Madam Inutz na hindi raw tungkol sa "isyu" ang kaniyang post.

"ANG SAMA PALA MAGUTOM NGAYON 😅 NAG HANAP LANG AKO NAG PAGKAIN RELATE AGAD SA ISSUE MI HINDI KO NGA ALAM ANG ISSUE PABOLONG NGA SAKIN PARA ME ALAM AKO 😅😅," aniya.

Dahil sa bash na dina-down daw niya si Herlene, muling nag-post si Madam Inutz ng tungkol naman sa "kaibigang kunsintidor."

"KAYA DUMADAMI ANG NAG KAKASALA KASI NANJAN SI KUNSINTIDOR NA KAIBIGAN. NAG SASABING OK LANG YAN TAO KA LANG 🤦🏻‍♀️🙅🏻‍♂️ WAG NYO KONG IBILANG‼️," aniya.

Photo courtesy: Madam Inutz (FB)