Usap-usapan at umani ng reaksiyon ang naging pahayag ni Unkabogable Star Vice Ganda tungkol sa paggawa o pagbuo ng pamilya.

Nasambit ito ni Vice Ganda sa segment na "EXpecially For You" sa noontime show na "It's Showtime."

Naniniwala umano si Vice Ganda na kung walang pera ang isang tao, huwag siyang gumawa ng pamilya.

"This opinion might offend other people pero kung wala kang pera, 'wag kang gumawa ng pamilya," anang TV host-comedian.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"Dahil kawawa lalong-lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain nang maayos," paliwanag pa niya.

"At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno. Ikaw."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon, komento, at opinyon mula sa mga netizen.

"Tama. I agree lalo na sa panahong ito!"

"Love just ain't enough. Hindi kayo mapapakain ng pagmamahal n'yo sa isa't isa. Wag mag-anak nang madami kung hindi kaya. Tapos pag walang makain, kakatok kayo sa busilak naming puso. Chz!"

"Sino ka para magdikta sa gusto ng mag-asawa?"

"Eh kung bet nilang bumuhay ng mga anak at bumuo ng malaking pamilya, huwag nating pakialaman."

"Totally agree ako sa iyo meme."

"yes na yes naman, tama si Vice."

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?