Mukhang masarap ang Noche Buena ng isang taga-Quezon City nang mapanalunan ang mahigit ₱310 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Disyembre 19.

Ayon sa PCSO, nabili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Quezon City.

₱513-M jackpot prize ng Ultra Lotto, ‘di nasungkit; premyo, mas tataas!

Matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 30-16-33-12-29-25 na may jackpot prize na ₱310,696,635.40.

Ang premyong napanalunan na lagpas sa ₱10,000 ay sasailalim sa 20 porsiyentong tax na alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyo na hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.

Samantala, walang nakapag-uwi ng ₱513,100,080.40 na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Maki-Balita: ₱513-M jackpot prize ng Ultra Lotto, ‘di nasungkit; premyo, mas tataas!