Nakakaloka ang mga netizen dahil hindi pa sila tapos sa isyu ng KathNiel break-up at pagkakadawit dito ni Kapamilya star Andrea Brillantes.

Mas lalong nag-apoy ang mga netizen matapos maglapag ng cryptic Instagram stories ang matalik na kaibigan ni Andrea na si Bea Borres patungkol sa "grooming."

Ibinahagi kasi ni Bea ang tungkol sa isang art card patungkol sa mas nakakatanggap ng kritisismo ang isang babae pagdating sa usaping sex kaysa sa mga lalaki.

"Y'all aren't prepared for this convo," text caption ni Bea.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang isa namang art card ay patungkol sa "grooming."

Ang grooming o sexual grooming ay nangangahulugang "actions or behaviors used to establish an emotional connection with a minor, and sometimes the child's family to lower the child's inhibitions with the objective of sexual abuse."

"But are y'all ready to talk about this? Nope (thumbs down emoji)," aniya.

MAKI-BALITA: Bea Borres trending sa X; banat tungkol sa ‘grooming,’ usap-usapan

Anang netizens, mukhang banat ito ni Bea kay Daniel dahil nga batay sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP, 26 anyos si DJ at 18 naman si Andrea nang magkaroon umano sila ng "ugnayan."

Bagay na personal na inamin daw ni Andrea kay Kathryn nang magkita sila sa tanggapan ng huli sa Quezon City.

MAKI-BALITA: Andrea diretsahang umamin kay Kathryn tungkol sa kanila ni Daniel

Hindi raw malinaw ang intensyon ni Andrea kung bakit kinailangan pa niyang personal na makipagkita kay Kathryn para lamang aminin dito ang namagitan umano sa kanila ni Daniel.

Anyway, nakalkal naman ng mga netizen ang isang lumang post kung saan makikitang nakatanggap daw ng iPhone 6s si Andrea mula kay Daniel.

Makikita sa isang litrato na kasama ni Andrea ang isa pang Kapamilya star na si Alexa Ilacad habang finiflex nila ang mamahaling cellphone.

"binigyan sya ni kuya dj ng iphone6s.... im ok..." mababasa sa text caption.

Photo courtesy: Alexa Ilacad (IG) via Fashion Pulis

Batay rito, mahihinuhang ang nag-post nito ay si Alexa.

Isang netizen ang nagbahagi nito sa X post at kinomentuhan pang sana raw ay mabulok sa bilangguan si Daniel, kung sakaling mapatunayan daw na may "malisya" ang pagbibigay ng mamahaling telepono ng isang 20-anyos sa isang 12-anyos noong 2015.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sana alllll. Pero normal lang naman sa mga artista magbigayan ng mga expensive things dibaaaaaaaa"

"OA rot on jail... I super don't like Daniel pero this statement is too much..Si Vic nga kay pauleen nga little Ms Phils era pa.. Malay natin sila tlaga end game.. get a life."

"Mga panahong laging magkapatid role nila malamang naging close, and known as very generous naman si dj. Grabe naman to."

"people should stop with this narrative because andrea will be on the losing end again. imbis magalit ke dj, celebs will feel bad for him im pretty sure, because he's known for being generous. a lot if his celeb friends will attest to that, so magagalit sila ke andrea for this story coming out. cheater oo, pero he's generous with everyone e. how else can they prove yhat he groomed her? may iba p ba like texts when she was a minor, if so, that's the one they should leak? kasi kung gifts lng , andrea will lose again on this. mag isip isip kyo. if you think you are helping andrea eith this narrative, think again."

"let's not normalize giving gifts as 'grooming'. do you know how many gifts ryzza got from tvj when she was young? how about aiza? just because andrea was very pretty when she was young, there's malice on the gifts? unless that phone had maliscious texts on there from Dj after he gave that phone to her, then you cant use the phone to prove that ge groomed her. sorry to say."

"Grabe nakakatakot ang mga netizen. Uungkatin yung mga bagay tapos gagawan ng masamang kahulugan."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Daniel at Andrea hinggil sa isyu.