Kakaibang "Kyline Alcantara" na raw ang masasaksihan ng fans at supporters pagpasok ng 2024.

Hindi man nagbigay ng anumang detalye, mukhang may hinarap na malaking hamon si Kyline ngayong 2023, kaya nasabi niyang "braver, fiercer, at stronger" Kyline version na siya sa susunod na taon.

Hindi jowa kundi pamilya at mga kaibigan daw ang nagpapalakas sa kaniya ngayon, sey niya sa panayam ng "24 Oras" sa pamamagitan ni Lhar Santiago kamakailan.

“They’re my source of strength nowadays... especially for the past few days," makahulugang sagot ni Kyline.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"And not just my family, but my brothers, my friends, ‘yong mga tao po talaga na nakakakilala kung sino ako. Naramdaman ko po ‘yong pagmamahal, pagsuporta, pagprotekta, at pagdepensa nila sa akin,” aniya pa.

Makahulugan at palaban din ang sagot ni Kyline nang matanong sa kaniya ang kulay ng Pasko para sa kaniya.

"White, because I just want peace po, kapayapaan sa buhay. Red, kasi hindi po ako magpapaapak. Ako po ay lalaban pero hindi po sa isang maling paraan."

"La nueva kontrabida will be back. Braver, fiercer, stronger. Kyline Alcantara 2.0."

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang break-up daw nila ng boyfriend na si Mavy Legaspi, na hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin

Kaugany nito, pinag-usapan din ang tila "parinigan" nila ng madir ni Mavy na si Carmina Villaroel.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

MAKI-BALITA: Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang magkabilang kampo upang pabulaanan o kumpirmahin ang mga isyung ipinukol sa kanila.