Matagal na raw hiwalay ang mag-jowang sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano ayon kay Romel Chika, co-host ni showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Disyembre 20, sinabi ni Cristy na kung tutuusin, sina Edu at Cherry umano ang ninong at ninang ng mga hiwalayan ngayong 2023. Mula kina Ricci at Andrea hanggang kina Kathryn at Daniel.

Nakakapanibago daw kasi dahil noon daw ay laging todo-flex ang dalawa ng kanilang mga photo at kamakailan nga lang ay biglang nawala.

“Kaya inisip ng lahat, anyare? ‘Yon pala may nangyayari na palang hindi maganda pero tikom ang bibig nila—”

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

“Pero ngayon deklarado na,” agaw ni Cristy kay Romel.

Sa isang interview daw ayon kay Romel ay nagsalita na si Cherry sa totoong kalagayan ng relasyon nila ni Edu.

“Inamin na ni Aling Cherry Pie sa kaniyang interview na talagang wala na daw sila. Pero nagmamahalan pa rin daw sila bilang magkaibigan,” saad ni Romel.

Dagdag pa ni Romel. “Wala namang sinundang tanong na ‘Bakit ba kayo nagkahiwalay?’ Wala nang ganoon. Kundi talagang malamig ang pasko.”

Sa kasalukuyan, itutuon daw muna ni Cherry ang buong atensyon para sa sarili. Naniniwala kasi ang aktres na ang kaligayahan dapat ay nagmumula sa sarili; hindi sa dikta ng ibang tao.

Matatandaang noong nakaraan taon ay iniintriga na rin ng mga netizen ang relasyon nina Edu at Cherry.

MAKI-BALITA: Edu at Cherry Pie, hiwalay na raw?