Trending sa X ang pangalan nina Rob Gomez, Herlene Budol, at Bianca Manalo dahil sa pasabog na rebelasyong mababasa sa Instagram account ng aktor.

Photo courtesy: X

Nagulantang ang mga netizen nang mabasa ang screenshots ng umano'y kumbersasyon ni Rob sa mga naging co-stars sa nagtapos na "Magandang Dilag" serye, na sina Herlene Budol, Bianca Manalo, at Pearl Gonzales.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Naloka ang mga netizen dahil pati ang kumbersasyon daw ni Rob kay Bianca ay kasama sa naka-post na "resibo" sa IG; at tila raw palihim na nagkikita ang dalawa.

Alam ng lahat na may pare-parehong karelasyon na ang dalawa.

Misis ni Rob si Shaila Rebortera at may anak na sila, at si Bianca naman, jowa si Sen. Win Gatchalian.

Espekulasyon ng mga netizen, si Shaila ang nag-post ng screenshots ng kumbersasyon umano ni Rob sa mga nabanggit na personalidad, matapos niyang matuklasan ito.

May mga nagsasabi namang baka nawala ang telepono ni Rob, o baka naman na-hack ang kaniyang social media platforms.

Batay sa kumakalat na screenshots ay nag-chat daw si Bianca kay Rob kung puwede raw itong makipagkita sa kaniya ng 7am. Nasa Makati area daw siya at kasama ang mga aso. Kung puwede raw ito, babalik daw kaagad siya sa BGC o Bonifacio Global City.

"He's not here. He's in Valenzuela," saad pa raw ni Bianca, na tinutukoy umano ang kasintahang senador. Bago maging senador ito ay naging mayor muna ito ng Valenzuela.

Sa isa pang "resibo," makikitang nagpadala umano ng DM o direct message si Bianca kay Rob dahil hindi ito nagrereply sa kaniya sa Telegram.

"You didn't reply on telegram. Meron ka nanaman napick up na ibang girl noh?" mababasa rito.

Hindi pa malinaw kung ano talaga ang ugnayan nina Bianca at Rob o kung nahaluan lamang ba ito ng malisya.

Ngunit agad na itong pinag-usapan sa X at nakapagbigay na kaagad ng kanilang saloobin at reaksiyon ang mga netizen.

https://twitter.com/totsbel/status/1737203955648913616

https://twitter.com/KafosoMo/status/1737285287661785129

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1737288861640999182

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa pinabubulaanan o kinukumpirma nina Rob, Herlene, Pearl, at Bianca ang isyung ito. Wala pa ring pahayag ang karelasyon ni Bianca na si Sen. Win Gatchalian tungkol sa pagkakadawit ng nobya. Bukas ang Balita sa kanilang panig.