Ipinagiba ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang 120 illegal stalls sa Gibraltar kamakailan.

Idinahilan ng pamahalaang lungsod, ang nasabing lugar ay pagtatayuan ng satellite market project ng barangay.

Binanggit din ng city government, ipinatupad ang demolisyon nitong Disyembre 4-7 sa bisa ng kautusan ni Magalong.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinaliwanag naman ni City Buildings and Architectures Office (CBAO) Investigation and Demolition Division chief, Engr. Donald Gas-ib, lima pang stall owner ang kusang gumiba ng kanilang istraktura.

Dumating din sa lugar ang grupo ng Commission on Human Rights (CHR) upang matiyak na hindi malabag ang karapatang-pantao ng mga apektadong negosyante.

Itatayo sa lugar ang apat na palapag na gusaling upgraded satellite market na inaasahang mapakikinabangan ng mga residente ng Gibraltar at karatig-lugar.