Inanunsyo ni Senador Francis Tolentino ang pagbibitiw niya bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, ang panel na naatasang mag-imbestiga sa mga umano'y maling gawain ng mga pampublikong opisyal.

Sa isang press briefing nitong Martes, Disyembre 19, ibinahagi ni Tolentino na ang kaniyang pagbibitiw ay upang tuparin daw ang kaniyang pangako na hahawakan lamang ang naturang komite sa isang taon at kalahating buwan.

“In fulfilment of a sacred commitment to serve as Blue Ribbon Committee Chairman and Member of the Commission on Appointments for a concise term of one and half years, I find it both duty and an honor to uphold the essence of a prior agreement. This decision is rooted in a deep-seated belief that public office demands fidelity to pledges made,” pahayag ni Tolentino.

“Ang pagtupad sa kasunduan ay nakabatay sa aking malalim na paniniwala na ang pangako na maglingkod nang maikling panahon ay isang sagradong tungkulin sa paglilingkod sa bayan na dapat tuparin,” dagdag pa niya.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Inihayag din ng senador na gagawa siya ng pormal na mosyon para magbitiw kapag natuloy ang sesyon sa Enero 2023, at hihintayin ang papalit sa kaniya.

Matatandaang sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino sa Blue Ribbon committee, inimbestigahan ng panel ang mga isyu, tulad ng kontrobersyal na laptop deal ng Department of Education (DepEd) at ang umano'y hindi pagsisiwalat ng Department of Health ng mga detalye sa pagkuha ng bakuna.