Ang aktor na si Richard Gutierrez umano ang pinakamabait sa tatlong anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Disyembre 18, inilarawan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang kabaitan nina Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, at Richard. 

“Ako lang ano, nanghihinayang lang ako, kasi sa lahat ng anak nina Tito Eddie at Tita Annabelle, mababait silang lahat, e. Kahit nga kami [Annabelle] nagkaroon kami ng kasuhan noon. Libel ‘di ba? Pero never akong binastos ng magkakapatid na Gutierrez.

“At sa kanilang lahat, sorry Ruffa, sorry kay Kambal. Pero si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez,” aniya.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Kaya nanghihinayang umano si Cristy na kasalukuyang nasasangkot si Richard sa isyu umano ng pananakit. 

Pero may isa umanong hindi magandang katangian si Richard na inamin naman daw mismo ng ina nito ayon kay Cristy.

“Kapag nakainom at nalasing si Richard talagang hindi siya talaga mapipigilan. Masama siyang malasing,” sabi ng showbiz columnist.

Matatandaang kamakailan lang ay naiulat din sa vlog ni Cristy ang blind item na tungkol umano sa mag-asawang nagkakasakitan na ang tinutukoy umano ay sina Richard at Sarah.

MAKI-BALITA: Miles Ocampo, naka-move na kay Elijah Canlas?