Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 2,725 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa mula Disyembre 12-18, 2023.

Sa National Covid-19 Case Bulletin ng ahensya nitong Lunes ng hapon, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 389.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Mas mataas ito ng 50 porsyento kumpara sa mga kasong naitala noong Disyembre 5 hanggang 11.

Sa mga bagong kaso, 16 ang may malubha at kritikal na karamdaman, habang mayroon ding naitalang 16 na nasawi, kabilang ang 13 na binawian ng buhay noong Disyembre 5 hanggang 18.

Nitong Disyembre 17, 2023, mayroong 211 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa sakit.

Kaugnay nito, mahigpit na pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng nasabing virus.

Payo pa ng DOH, dapat na ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.

Panawagan pa ng ahensya sa publiko, magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.