Usap-usapan ang X post ng South African singer na si Tyla na siyang kumanta ng hit song na "Water."

Niretweet kasi ni Tyla ang video clip ng performance ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa nabanggit na song-dance number sa musical noontime show na "ASAP Natin 'To" nitong Linggo, Disyembre 17.

Aniya, "It’s so crazy seeing people perform my song with huge productions, costumes, choreo etc etc… what the heck 🥴🤍."

https://twitter.com/Tyllaaaaaaa/status/1736263374894485600

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa interpretasyon ng netizens lalo na ang fans ni Sarah GG ay parang sarkastiko raw ang X post ni Tyla, lalo na ang "what the heck" na may woozy face emoji sa dulo.

Sa tabi ng woozy face emoji ay may white heart emoji naman.

Maging ang Kapuso comedy star na si Pokwang ay napakomento rin dito.

Aniya sa kaniyang X post, "Ayon sa X post ni Pokie, "77M views sa YT si water ni Tyla 😊 habang si Tala ni Sarah G ay 198M 👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼"

"Tyla,tyla, tyla Ang ningning ng mga tyla’y nakikita ko sa 'yong mga mata Tyla, tyla, tyla…." dagdag pa ng komedyante.

MAKI-BALITA: Pokwang pinuri si Sarah G, kinabog si Tyla sa ‘Water’

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"medyo mayabang nga yung dating ngn tweet ni Tyla! Kakadisppoint!"

"Sarap patulan mamsh.. Galing galing ni SGG e... Bibigyan ko muna sya ng benefit of a doubt sa post nya pero wag nyang mamaliitin ang Sarah G natin. 😏💅"

"korek! ngaun ko lng nkita parang ang yabang nga nung tyla hahaha kala nmn nya"

"Parang off ng tweet ni Tyla. Anong ibig niyang sabihin hehe."

"parang nanggigil si Tyla kasi natalbugan siya ni Sarah hahaha."

"Ang understanding ko sa comment niya is a nega comment."

"Galit yata si Tyla haha. Nakita kasi niya ang galing ni Sarah. Mas magaling pa kesa sa kanya."

"Singing other people songs like this has become so normal in this country artist outside the country view this as plagiarism TBH."

Samantala, may ilang mga netizen naman ang nagbigay ng "benefit of the doubt" kay Tyla.

"It's a compliment. Parang na surprised at overwhelmed siya kasi sikat na din sa ibang bansa ang song niya."

"She is overwhelmed na narerecognize na ang song niya internationally."

"My gosh people. Ganyan talaga mga foreign people magsalita. It doesnt mean galit. May heart emoji nga eh. Nakakaloka kayo, lahat may issue. Natutuwa siya. Ganun yun."

"Omg the comprehension of some people here. I cannot. Mga sis aral muna."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Tyla o kahit si Sarah G kaugnay nito.