Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong linggo ang panukalang ₱5.76 trilyong national budget para sa 2024.

Ito ang isinapubliko ni House Speaker Martin Romualdez nitong Lunes, Disyembre 18, at sinabing plano na ni Marcos na pirmahan ang panukalang batas bago pa ito magtungo ng Japan. 

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

“It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” pahayag ni Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo nitong Lunes.

Paglillinaw ni Romualdez, mayroon pa ring printing requirements bago pirmahan ni Marcos ang nasabing mungkahing batas.

Inaasahang babalik sa bansa si Marcos ngayong Lunes matapos dumalo sa 50th Commemorative ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Summit sa Japan nitong Disyembre 16-18.

Matatandaang niratipikahan na ng Senado at Kamara ang mungkahing 2024 national budget nitong nakaraang linggo.

PNA