Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong linggo ang panukalang ₱5.76 trilyong national budget para sa 2024.
“It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” pahayag ni Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo nitong Lunes.
Paglillinaw ni Romualdez, mayroon pa ring printing requirements bago pirmahan ni Marcos ang nasabing mungkahing batas.
Inaasahang babalik sa bansa si Marcos ngayong Lunes matapos dumalo sa 50th Commemorative ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Summit sa Japan nitong Disyembre 16-18.
Matatandaang niratipikahan na ng Senado at Kamara ang mungkahing 2024 national budget nitong nakaraang linggo.
PNA