Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 04, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief

    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief

    By
    Balita Online
    December 18, 2023
    In
    BALITA National
    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief
    (Manila Bulletin File Photo)

    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief

    By Balita Online
    December 18, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Seryoso ang pamahalaan na tugisin at lipulin ang mga rebeldeng New People's Army (NPA) kasunod na rin ng pagkasawi ng isang sundalo sa sagupaan sa Balayan, Batangas kamakailan.

    "Ang AFP [Armed Forces of the Philippines] ay palaging nakabantay at hindi titigil sa pagsugpo ng lahat ng teroristang grupo na nagdudulot ng kapahamakan sa ating bansa," pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, Jr. nitong Linggo.

    Nangyari ang sagupaan tatlong linggo matapos bigyan ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga dating kaanib ng mga rebeldeng grupo, kabilang na ang NPA.

    Nakiramay na rin si Teodoro sa pamilya ng nasawing sundalo kasabay ng pangako na tutulungan ito ng pamahalaan.

    Tiniyak din ni Teodoro na makatatanggap ng financial assistance  ang pamilya ng tatlo pang sundalo na nasugatan sa nasabing sagupaan.

    "We are ensuring that our wounded soldiers will receive the best medical care, and provide all the necessary assistance to the family of our slain soldier during this difficult time," anang opisyal.

    Nitong Linggo, Disyembre 17, nakasagupa ng tropa ng gobyerno ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas na ikinasawi ng anim na rebelde at isang sundalo.

    PNA

    Inirerekomendang balita

    Korte Suprema nagpawalang-bisa ng kasal dahil sa ‘controlling,’ ‘demanding’ na misis

    Korte Suprema nagpawalang-bisa ng kasal dahil sa ‘controlling,’ ‘demanding’ na misis

    Pinagtibay ng Korte Suprema ang pgpapawalang-bisa sa kasal ng mag-asawa dahil sa umano’y “psychological incapacity” ng misis na nagbubunsod ng pagiging “controlling” at “demanding” nito sa mister.Batay umano sa 14-page decision na may petsang Agosto 2025, ang initial na petisyon ay inihain ng lalaking asawa noong 2003.Ayon sa lalaki, lagi umanong inaalam ng misis niya ang kaniyang...

    Ospital sa Makati, kulang ng blood supply, nananawagan ng agarang blood donors

    Ospital sa Makati, kulang ng blood supply, nananawagan ng agarang blood donors

    “Let's give the gift of life as we usher in the new year,” ito ang panawagan ng isang ospital sa Makati City simula nitong Sabado, Enero 3, dala ng kakulangan sa kanilang blood supply. Sa kasalukuyan, nakabukas ang mga pulang ilaw sa gusali ng Makati Medical Center bilang panenyas sa publiko na nananawagan sila ng agarang blood donors para punan ang mababa nilang blood supply. Ayon sa...

    Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

    Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

    Kilala na raw ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng babaeng driver na nag-viral sa social media kamakailan matapos umanong magpakita ng baril habang nasa loob ng kaniyang sasakyan matapos maipit sa mabigat na daloy ng trapiko noong Disyembre 29 sa Cagayan de Oro City.Batay sa ulat ng '24 Oras' ng GMA Network noong Biyernes, Enero 2, naganap ang insidente sa nabanggit na petsa sa...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Ano ang mga pamahiing Pinoy tuwing ‘Full Moon?’

    January 03, 2026

    FEATURES

    2

    'Pag nagpaputok, maging responsable rin sa paglilinis pagkatapos!'—paalala

    January 01, 2026

    FEATURES

    3

    Mga pre! Mas healthy pala kapag laging nakatayo ang 'Junjun'

    January 01, 2026

    FEATURES

    4

    Rudy Baldwin sa magiging pinsala ng kalamidad sa 2026: ‘Maraming buhay ang mawawala’

    December 31, 2025

    FEATURES

    5

    'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal

    December 31, 2025

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Mga dapat gawin kapag nakasubo o nakalunok ng paputok

    December 30, 2025

    FEATURES

    7

    BALITAnaw: Mga salitang sumabog, pumatok, umusbong sa bibig ng bayan nitong 2025!

    December 30, 2025

    FEATURES

    8

    BALITAnaw: Ang malagim na ‘Rizal Day Bombings’ sa Metro Manila

    December 30, 2025

    Opinyon

    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Si ‘Emmanuel,’ ang Hari na ipinanganak sa sabsaban para mapalapit sa atin Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Nasaan ang puso mo ngayong Pasko? Balita Online
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na nagpapala sa mga gawa ng ating mga kamay
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita