Wala pa mang opisyal na pahayag si Janno Gibbs tungkol sa pagpanaw ng kaniyang amang si Ronaldo Valdez, nauna na niyang naibahagi na mayroon silang nagawang pelikula na nakatakda raw mapanood sa Enero 2024.

Sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre nang batiin niya ang ama sa kaarawan nito, ibinahagi ni Janno na may lalabas silang pelikula sa Enero 2024.

Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

“Happy Bday Papa! What a joy to share the screen w/ you. And such a priviledge to have directed you. We had fun,didnt ddnt we?! Labyu,” aniya. “Our film arrives in cinemas this January.”

Nag-comment naman ang kaniyang ama, “Tnk U,Son! U Do Me Proud!! Luv Ya!!!”

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Janno tungkol sa dahilan ng pagpanaw ng ama, at kung matutuloy ang paglabas ng kanilang pelikula.

Matatandaang pumanaw si Ronaldo nitong Linggo, Disyembre 17, sa edad na 76.

Maki-Balita: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na