Masama nga ba ang loob ng aktor na si Jake Ejercito dahil hindi niya nakuha ang karakter ni Park Seo-joon sa original K-Drama series ng “What’s Wrong With Secretary Kim”?

Sa isang episode kasi ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Mama Loi na may nakapansin umano ng absence ni Jake sa Christmas Special 2023 at music video ng Christmas station ID ng ABS-CBN.

“So, anong dahilan kaya?” tanong ni showbiz columnist Ogie Diaz.

Sa palagay ni Mama Loi: “Hindi daw kaya, Nay, nagtatampo itong si Jake Ejercito dahil hindi niya nakuha ‘yung role doon sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?”

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“E, parang dati na-announce na sa kaniya ‘yun ‘di ba?” dagdag pa niya.

Pero ayon kay Ogie, baka naman daw may personal na rason si Jake kung bakit hindi siya nakapunta sa dalawang nasabing event ng ABS-CBN.

“Or baka nasa abroad. Anyway, itatanong ko pa rin kung what’s wrong with Jake Ejercito bakit hindi siya nakasama,” natatawang saad ng showbiz columnist.

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo na ng Viu Philippines kung sino ang bibida sa Filipino adaptation ng nasabing K-Drama series.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

Matapos ipasilip ng online streaming platform ang dalawang artistang gaganap sa serye, nag-trending sa X si Jake.

MAKI-BALITA: Netizens, mas bet si Jake sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’ kaysa kay Paulo?