Usap-usapan ang makahulugang Instagram stories ni Bea Borres, ang social media personality-talent na kaibigan ni Kapamilya star Andrea Brillantes.

Ibinahagi kasi ni Bea ang tungkol sa isang art card patungkol sa mas nakakatanggap ng kritisismo ang isang babae pagdating sa usaping sex kaysa sa mga lalaki.

"Y'all aren't prepared for this convo," text caption ni Bea.

Image

Photo courtesy: Bea Borres (IG)

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Ang isa namang art card ay patungkol sa "grooming."

Ang grooming o sexual grooming ay nangangahulugang "actions or behaviors used to establish an emotional connection with a minor, and sometimes the child's family to lower the child's inhibitions with the objective of sexual abuse."

"But are y'all ready to talk about this? Nope (thumbs down emoji)," aniya.

Image

Photo courtesy: Bea Borres (IG)

Kaugnay ito ng paglabas ng artikulo mula sa Philippine Entertainment Portal o PEP kaugnay sa iba pang mga detalye kaugnay ng KathNiel break-up at kinalaman umano rito ni Andrea.

Dahil dito, trending ulit sa X sina Andrea, Daniel, Kathryn, at maging si Bea.

Photo courtesy: X via Richard de Leon of Balita

Ilang mga netizen naman ang nagsabing sana raw ay huwag nang gatungan pa ni Bea ang isyu para hindi na lumala pa.

May mga netizen naman ang pumuri kay Bea dahil sa pagiging mabuting kaibigan nito kay Andrea, na handang ipagtanggol ang kaibigan kapag naaapi at naaagrabyado na.

Parang si Andrea raw kasi ang nasisisi at inuulan ng kritisismo kung totoo man ang mga lumalabas na paratang, at parang walang masyadong nagdidiin at bumabatikos kay Daniel.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga nabanggit na pangalan tungkol sa isyu.