Pasabog ang inilabas na artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP tungkol sa iba pang detalye sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Batay sa kanilang ulat, apat na sources ang kanilang pinanghahawakan na siyang nagdetalye kung paano raw nakarating kay Kathryn ang umano'y ugnayan sa pagitan ng kaniyang ex-boyfriend at Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

Sinasabing si Andrea raw ang nakipag-ugnayan kay Kathryn, at personal silang nag-usap patungkol kay Daniel.

Nakasaad dito na hindi tiyak ang petsa kung kailan nagkita sina Kath at Andrea, subalit naganap daw ito nang madaling-araw sa tanggapan/studio ni Kath sa Quezon City, at ang sabi, "lasing" pa raw si Andrea.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Dito raw ay isiniwalat ni Andrea ang "one-time fling" na nangyari daw sa kanila ni Daniel. Ipinabasa pa raw ni Andrea ang palitan nila ng mensahe ni Daniel mula sa kaniyang cellphone.

Noong November 2021 daw ay nagtungo si Blythe sa bahay ni Daniel, na katabi lang daw ng bahay ng nanay niyang si Karla Estrada.

Lingid daw sa kaalaman ni Karla ang tungkol sa pagkikitang ito dahil magkabukod nga sila ng bahay ng anak.

Ito na raw ang nag-udyok kay Kathryn para tuluyan nang tuldukan ang relasyon nila ni Daniel.

Nang dumalo raw sila sa ABS-CBN Ball 2023 noong Setyembre ay hiwalay na raw sila.

Kaya pala hindi sila sabay rumampa sa red carpet; at kung nagsama man sa dulo, hindi sila sweet sa isa't isa hindi kagaya ng dati.

Noong Nobyembre 30, sa kani-kanilang solong statement sa Instagram ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang break-up.

Sa muling pagsasama ng KathNiel sa naganap na ABS-CBN Christmas Special 2023 at pagtanggap ng parangal mula sa Asia Artists Award (AAA) kamakailan, maraming humanga sa propesyunalismo ng dalawa.

Lumutang pa ang tsikang mukhang may reconciliation na nagaganap matapos burahin ni Daniel ang kaniyang confirmation statement sa IG.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, tinanggal break up message kay Kathryn Bernardo

Ngunit sa latest Instagram post ni Kathryn, mukhang subtle way ay sinasabi niyang walang balikang naganap o nagaganap.

Naglapag siya ng iba't ibang larawan na highlight ng kaniyang buhay noong Nobyembre at bahagi ng caption ay nakalagay na "No looking back, only moving forward.”

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo: ‘No looking back, only moving forward’

Bagay na sinang-ayunan naman ng malapit na kaibigan ng KathNiel na si Kapamilya comedienne Alora Sasam, na nababash naman ngayon dahil sa mga tila shady comments niya laban naman kay Daniel.

MAKI-BALITA: Alora sinasabihang sawsawera, sumasakay sa KathNiel break-up

MAKI-BALITA: Friend ni Kathryn na si Alora, inunfollow sina Daniel, Andrea

Hanggang ngayon, hindi pa nagsasalita tungkol sa kanilang istorya at panig ang tatlong sangkot.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Kathryn, Daniel, at Andrea tungkol sa mga detalyeng ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.