Binalikan ng actress-politician na si Aiko Melendez ang iconic film nila ng namayapang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Sa Instagram post ni Aiko nitong Lunes, Disyembre 18, makikita ang ibinahagi niyang larawan mula sa kanilang pelikula ni Ronaldo.

“Tito Ronaldo 🙏🏻 Rest in Peace. Your memories will live on and on… This picture was taken during the filming of one of our iconic movie together ‘May Minamahal’,” saad ni Aiko.

Dagdag pa niya: “He played my father. Im blessed to experience his generosity as an actor and a friend. You will be missed 🙏🏻 @tito.ron.valdez”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang nasabing pelikula ay nakasentro sa kuwento ng isang lalaking tumayong padre de pamilya matapos mamatay ang kaniyang ama na kalaunan ay kailangang mamili kung alin ang dapat unahin sa pagitan ng pamilya at babaeng minamahal.

Pumanaw si Ronaldo nitong Linggo, Disyembre 17, sa edad na 76.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Quezon City Police District Headquarters (QCPD) hinggil sa pagkamatay ng beteranong aktor.

MAKI-BALITA: QCPD naglabas ng statement tungkol sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez