Nasa 5,400 pasahero ang kasalukuyang na-stranded sa Manila North Port Passenger Terminal matapos makansela ang kanilang biyahe bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng bagyong Kabayan.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG), biyaheng Cebu City, Butuan City, Tagbilaran City, at Cagayan de Oro City ang mga barkong nananatili sa pantalan at naghihintay ng abiso para sa ligtas na paglalayag.

Kaugnay nito, binisita ni Coast Guard Public Affairs Service acting Commander, CG Rear Admiral Armando Balilo ang Manila North Port Passenger Terminal upang i-monitor ang sitwasyon ng libu-libong pasahero.

Ipinaliwanag pa ng Coast Guard, tututukan nila ang sitwasyon sa lugar para na rin sa kaligtasan at seguridad ng mga mananakay bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2023 ng Department of Transportation (DOTr).

Idinagdag pa ng PCG, katuwang nila sa pagbabantay ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA).

Sa anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Caraga, Davao Oriental nitong Lunes ng hapon.