Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng gabi, Disyembre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:58 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 18 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Ilocos Norte

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.