Nagdiwang ng kaniyang ika-30 kaarawan ang kinikilalang pinakamaliit na nabubuhay na babae sa mundo nitong Sabado, Disyembre 16.

Sa ng ulat Guinness World Records (GWR), ipinanganak ang “world’s shortest woman living” na si Jyoti Amge mula sa India noong Disyembre 16, 1993.

Sa kaniyang 18th birthday, taong 2011, nang dumating daw ang pinakamagandang regalo na natanggap ni Jyoti. Ito ay nang bisitahin siya ng team ng GWR para opisyal na kumpirmahin na siya ang pinakamaliit na babae sa mundo.

“Jyoti stands at just 62.8 cm (24.7 in) tall,” saad ng GWR.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Mula nang matanggap ang naturang world record, maraming magagandang bagay na ang naranasan niya, katulad na lamang ng paglibot sa iba’t ibang bansa.

Noong 2012, na-meet ni Jyoti sa kaniyang pagbisita sa London ang pinakamaliit na lalaki sa buong mundo na si Chandra Bahadur Dangi (Nepal; 1939–2015), na may taas daw na 54.6 cm (21.5 in).

"When I met the shortest man in the world and got to know him, I felt very happy. I felt more included and more satisfied that there is somebody like me too,” ani Jyoti sa GWR.

Nakatanggap na rin daw siya ng iba’t ibang birthday gifts mula sa kaniyang mga bagong kaibigan.

“A big birthday cake of my height was gifted to me surprisingly by my American friends,” pagbabalik-tanaw niya.

In-enjoy naman daw ni Jyoti ang kaniyang 30th birthday kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Happy birthday, Jyoti!